Sunday, October 28, 2007
DALOY NG KAMALAYAN SA BAGUIO
Saturday, July 7, 2007
Ang Disipulo ng Takot

Aba Ginang Gloria
napupuno ka ng pantasya
ang kapangyarihan ng takot
ay sumasaiyo,
bukod mong tinutugis
ang mga palaban
habang patuloy kang
nagsasaboy ng kasamaan.
Aba Ginang Gloria
di ka na nahiya
sa batas na iyong nilikha,
panakip-butas
pakanang gasgas
kunwari’y sa kapayapaan,
katahimikan ang hangad.
Aba Ginang Gloria
bakit hindi tumingin sa salamin?
Tanungin ang sarili, saka bigkasin:
”Salamin, salamin,
Salamin sa Malacanang,
Sino ang terorista’t
Nanliligalig sa bayan?”
Subalit ang salamin ay hindi tutugon
Dahil tukoy na ang sagot sa tanong.
Siya na nga.
Tuesday, May 15, 2007
BINGGAY

Gumising ako ng text ni Binggay na nagsasabing may banta sa kanyang buhay dahil sa may nakuha siyang video at photos ng pandaraya ng mayor ng Daguioman, Abra nitong nakaraang eleksiyon. Sa una'y mapapaisip ka talaga kung ano ang dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon. Nagsimula akong makipag-ugnayan (kasama si Libay) sa mga kaibigang manunulat at peryodista, mga cultural workers at artists sa Maynila at Baguio na maaaring makatulong upang makalabas ng ligtas ang aking kapatid. Hanggang sa kasakuluyan ay patuloy parin ang aming pakikipag-ugnayan sa kanya upang malaman ang sitwasyong kanyang kinasasadlakan. Parang ang hirap tuloy kumain ng tanghalian at meryenda dahil alam mong delikado ang kalagayan ng isa sa iyong mga kapatid. Pero dahil sa tulong na rin ng mga organisasyon at mga indibiwal na kakilala at kaibigan, inaasahan na ligtas na makakaalis ng Abra si Binggay paluwas ng Maynila. Sa ngayon pa lamang, lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumutulong at nagpapadala ng load kay Binggay. Sana'y makabalik na siya dito sa Maynila.
Frank Cimatu
BANGUED, Abra -- The lead vocalist of the band Pinikpikan accused the former mayor of Daguioman town of threatening her after she took video footage of alleged cheating.
Carol Bello, who is a poll watcher of Daguioman mayoral candidate Lyndon Basingan, claimed former mayor Manuel Co Kue, husband of incumbent Mayor Sally Co Kue, told her she would not be leave Daguioman alive after videotaping alleged ballot tampering.
"Ako raw ay di makakalabas sa Daguioman nang buhay dahil may photo at video ako ng kalokohan ng mayor and her family [I was told I would not be able to leave Daguioman alive because I have photographs and video footage of irregularities committed by the mayor and her family]," Bello told the Philippine Daily Inquirer, parent company of INQUIRER.net.