
Gumising ako ng text ni Binggay na nagsasabing may banta sa kanyang buhay dahil sa may nakuha siyang video at photos ng pandaraya ng mayor ng Daguioman, Abra nitong nakaraang eleksiyon. Sa una'y mapapaisip ka talaga kung ano ang dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon. Nagsimula akong makipag-ugnayan (kasama si Libay) sa mga kaibigang manunulat at peryodista, mga cultural workers at artists sa Maynila at Baguio na maaaring makatulong upang makalabas ng ligtas ang aking kapatid. Hanggang sa kasakuluyan ay patuloy parin ang aming pakikipag-ugnayan sa kanya upang malaman ang sitwasyong kanyang kinasasadlakan. Parang ang hirap tuloy kumain ng tanghalian at meryenda dahil alam mong delikado ang kalagayan ng isa sa iyong mga kapatid. Pero dahil sa tulong na rin ng mga organisasyon at mga indibiwal na kakilala at kaibigan, inaasahan na ligtas na makakaalis ng Abra si Binggay paluwas ng Maynila. Sa ngayon pa lamang, lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga tumutulong at nagpapadala ng load kay Binggay. Sana'y makabalik na siya dito sa Maynila.