
Mahilig akong kumain ng gulay. Kasama na dito ang malunggay na naaalala kong pinipitas lang sa mga kapitbahay na may tanim nito. Epektibo daw ito sa mga nanay na buntis dahil mas mapaparami ang gatas nila para sa iluluwal na sanggol. Yung iba, pinapatuyo ang mga dahon nito at ginagawang tsaa. Pero ngayon, may iba na itong drama. Noong isang araw, habang nagbabasa ng dyaryo, nalaman kong may apat na dayuhang mag-aaral mula sa MIT ang nandito ngayon sa Pilipinas. Pag-aaralan nila ang malunggay dahil maaari daw itong gamitin para makakuha ng biofuel. Hindi na bago ang ganitong mga pangyayari sa ating bansa. Marami tayong mga likas-yaman na pinagdidiskitahan para pakinabangan ng iilan. Pero ang gusto talaga nila, bukod sa madaling tumubo ang malunggay sa ating bansa, maraming tayong malawak na lupaing pagtatamnan nito, may cheap labor force ang bansa at malapit tayo sa mga bansa sa asya na magsisilbing market sakaling magkaroon na ng mga pabrika para sa malunggay biofuel.
Ano pa nga ba ang bago? Tayo ang may yaman, pero hindi tayo ang nakikinabang.
1 comment:
siyempre. kaya nga tayo pinoy eh.
Post a Comment